Thursday, September 9, 2010

NCEE - National College Entrance Examination

LPMHS Batch 81 Haay, i am street smart, i dont need this... hihihihi

LPMHS Batch 81 basta nakapasa ako at nakagraduate hanggang college......hihihi :-) KC


LPMHS Batch 81 Sa aking pananaw (ang lalim ah) ay hindi kailangan ito ng mga estudyante to go to college.Minsan nga ay nagiging handlang pa nga ito sa mga pangarap ng mg estudyante na makakuha ng gusto nilang kurso.Ang kailangan natin ay makabagong curiculum sa pag-aaral. Yung hindi masyadong mahirap kasi after graduation naman ay nalilimutan din naman ang mga pinagsunugan ng kilay (ang masama pa nito ay minsan sa pagsusunog ng kilay ay nadadamay ang buhok hehehe).:) Noel A.

LPMHS Batch 81 ........katulad mo, Noel???? hehehe jowk lang po!

I agree Noel..may mga kakilala kong iba naBatch natin di nakapag college dahil di nakapasa ng NCEE may pangbayad naman kumuha ng short courses ayun umasenso naman... saka naalala mo kung ilang months or weeks tau review ng NCEE na yan...mabuti na lang din nakapasa... kaya lang siguro ang tataas siguro ng nakuha nyo baka 99% pa nga ang nakuha nyo.... woooooooot! :-) KC

Encar Antonio Lane Tumpak NOEL and KC!!! It's not how high you score in NCEE should be your passport to college.. Meron ba prin ba nun sa atin. I admit hindi masyadong mataas yung NCEE ko. That even didn't stall what I plan to live my life and kahit yung course ko na Mass Communication was not a waste afterall. I learned to be mas makapal ang mukha to face crowd. Katwiran ko bakit ako mahihiya kung tama ako at I can do it I should let it show. I myself believe the key to success is not all theory is not all written and memories. Algebra, Trig, Geometry, Chemistry etc... Though I liked Trigonometry pero yun Algebra, Geometry Chemistry I admit naklumutan ko na yang lahat. Now that my son is in Jr. High I don't dare subjects to help him out in those subjects... :) I'm proud to say kahit d2 kahit anong nasyon, opisyal, police principal, lawyer, superintendent, nakikipagsayan ako sa discussion. I'm very outspoken.

LPMHS Batch 81 Tinira mo na naman ako Kaye but at least napapatunayan kong loves mo ako hehehe. Tama ka Kaye at Encar.Hindi NCEE ang sukatan kung pwede ka sa College.Tayo ang mga living testaments to prove this. May NCEE pa ba ngayon?

LPMHS Batch 81 i remember one time, meron tayong preliminary exam before NCEE, hindi ko pinasukan at kinuha, wala namang effect sa entrance exam. but i would say, masyadong beureaucratic ang sistema ng edukasyon. una, kailangan ang NCEE grade para sa SNPLP, at least top 10 sa hs, average grade sa HS. that has help for me, 1-year survival in the college. then the next four (4) years ay grant na tulong GSIS lending institution. But one way or the other, sa student pa rin ang greatest investment. Not NCEE, Not the School. Pasencia, hindi ako magaling sa Debate at Speech.. kaya lang ang contribution ko: ang inyong abang lingkod :) Luis

LPMHS Batch 81 Pard ok nga privelegde speech (parang si Joker Arroyo hehehe).See we have one thing in common.So it is time na Pareng Luis for you to be the new cabinet member of PNoy who will handle the Department of Education.I will propose this to Pinsan Pnoy pag nagkita kami hehehe.

LPMHS Batch 81 Pards, i heard, one of the best education system in the world is in Sweden. Good for your kids. The system works like this, correct me if im wrong..

Students in the Phils, when give an exam, are evaluated with right and wrong answers.. But in YOUR country, works out differently. when given an exam, and if it turns out that you have mistakes in the answers, you will be given the same exam to correct the error. i maybe exaggerating it, but the system works,,, further thoughts and views on these will be much appreciated, Pareng Noel. :) Luis

LPMHS Batch 81 I supposed the answer is yes.My children do not have the burden of making assignments at home.They are enjoying life as a student.Kung baga hindi masyadong stress at nagsusunog ng kilay.Simple lang ang pag-aaral nila.Hindi complicated (I would say basic) kaya madaling matutunan.But I can not comment if indeed Sweden has the best education system in the world.For me kasi ay nasa estudyante lahat yan but with the help of education system

But of course my children are struggling here, not because of the education system, but because of the Swedish languange.Doon may back log ang mga anak ko specially my 15 and 18 year old.But yung 13 and 10 ay nakakahabol.

Myrna Fabon Aquino Hello, nandito pala kayo! Ako average lang nakuha ko sa NCEE, kasi tamad naman talaga akong mag-aral nagbago na lang ako noong magcollege ako. Sa akin ang goal ng NCEE is to provide standardized measure of academic aptitude and assessment across a wide applicant pool. Kasi ang grading system from school to school ay di pare-pareho. Merong school na masyadong mataas magbigay ng grades while sa iba naman ay di kataasan, pero pareho lang ang kapasidad at galing ng estudyante.Also, scoring well on the NCEE can balance the effect of the bad GPA or Grade Point Average.Most colleges that are worth attending require NCEE scores as part of the application process. Kaya nga advice ko sa mga estudyante ngayon meron o walang NCEE , kailangang mag-aral ng mabuti. Huwag yung aral-aralan lang, basta makapasok sa eskuwela , ayos na.Hindi na pwede yan sa panahong ito na very competitive, lalo na sa paghahanap pa lang ng trabaho.. Mas maganda kung more on analysis ang test not choose the best answer ,right or wrong, para medyo makiliti naman ang utak.Totoo nasa estudyante yan!

No comments:

Post a Comment