Sunday, February 13, 2011

Salamat Classmate !




Maraming Salamat sa lahat ng tumugon at tutugon pa sa panawagan ng pinagsanib pwersa ng mga magigiting at walang kapagurang magtitipa sa tiklado ng keyboard sa FB para sa karagdagang tulong sa anumang anyo at paraan, mula pilipinas, amerika, europa, canada, middle-east, sweden, germany, at sa ibang lupalop pa ng Las Pinas.

Pwede pang humabol ang isang bilaong pansit, spaghetti, puto, LITSON (buo or 1 kilo lang), sa malamig, juice, zest-O drinks, etc. etc.. ano pa ba?

Sa muli, salamat sa ikatatagumpay ng muling pagkikita ng mga kakopyahan sa test, hinihingian ang long pad, at siempre kahuntahan sa canteen, kasabay sa student mass sa bamboo organ,,,

magkita-kita tayo, classmates...!!!

No comments:

Post a Comment