Thursday, December 9, 2010

LPMHS Batch94 Grand Alumni FAQ

LPMHS Batch94 Grand Alumni Frequently Asked Questions


by Lpmhs Batchninety-four on Monday, December 6, 2010 at 4:28pm

Q: Kailan po ba ang grand alumni ng LPMHS?
A: Ang grand alumni po ay sa February 26, 2011, sabado po, bale wala na po akong pera nun kasi kalagitnaan ng kinsenas saka katapusan.

Q: May parada po ba?
A: Mayroon pong parada, na magsisimula sa Zapote dadaan sa Moonwalk tapos Alabang then babalik ng LPNHS ground... joke lang... mula Zapote Plaza Market lang papunta sa LPNHS Main ground.

Q: Bakit ang layo naman?
A: Ganun talaga wag kang tamad...

Q: Anong oras po ang parada?
A: Magsisimula ang parada ng alas-6 ng umaga... excited?

Q: May T-shirt po ba ang batch 94? 
A: May T-shirt po tayo, sa kabutihang loob ng busilak na pusong BCA, Inc.

Q: May Bayad po ba ang t-shirt?
A: Libre ang t-shirt pero kung gusto mong bayaran kahit libre pwede din...

Q: Nandito po ako sa Pilipinas pero hindi po ako makakaattend ng reunion dahil conflict po sa schedule, paano po ako makakakuha ng libreng shirt?
A: Sa ngayon ang mga a-attend ng grand alumni ang priority para sa libreng shirt, kung may matira ay maari pang ipamahagi sa mga gaya mo. Maari mo ring hiramin ang batch94 shirt ng kaibigan mong naka attend ng grand alumni tapos wag mo nang isauli. Pero wag kang mag-alala at ginagawan na namin ng paraan para lahat ay mabigyan.

Q: Nasa abroad po ako at hindi makakauwi sa araw ng reunion pero gusto ko ng batch94 shirt, paano po ako makakakuha?
A: Kung may extra shirt pa ay maaari mo kaming i-email sa lpmhsbatch94@gmail.com kung saan pwede nating pagusapan kung paano mo makukuha ang shirt, libre po ang shirt pero ang poproblemahin po natin ay ang pagpapadala nito sa inyo dahil ayaw po ng post office ngayon na tumanggap ng greeting cards na may nakaipit na tshirt sa loob.

Q: Nandito po ako sa Pilipinas pero hindi po ako makakaattend ng reunion kasi tinatamad ako paano po ako makakakuha ng libreng shirt?
A: Maari ka naming puntahan kung nasaan ka mang lugar at i-abot sa iyo ang shirt para hindi ka mahirapan kaya lang tinatamad din kami.

Q: Ano po ang BCA, Inc.?
A: Walang nakakaalam kung ano o sino BCA, Inc. ang tanging alam ko lang ay nagda-diet sya ngayon dahil gusto nyang pumayat...

Q: Ano po ang design ng shirt?
A: Wala pang final, pero may mga nakapost na design sa "Wall photos" natin, kung meron kang natatagong husay at galing sa pag design maaari kang magpadala sa lpmhsbatch94@gmail.com at malay mo ang design mo ang mapili magkakaroon ka na ng bragging rights sa design ng shirt! Cool nuh?

Q: Kailan po ang meeting ng batch natin?
A: Ipo-post na lang po ni poging-poging Sony Maganto (di nya tunay na pangalan) dito kung kailan ang mga meetings. Kasalukuyan pa po syang nakikipagusap sa mga kasamahan nating may access sa loob ng bilibid este LPNHS pala.

Q: Mayroon na po bang pagkain/games/programs para sa batch natin?
A: Lahat po yan ay paguusapan natin sa meeting sa nalalapit na mga araw steady ka lang.

Q: Sino po ba ang representative ng Batch 94?
A: Sa ngayon ang kontak natin sa loob ng LPNHS ay si Amabelle Miquiabas, kaya kung may katanungan po kayo maaari nyo po syang itext i-type lang angLPMHSbatch94BATCHMATE!ANG INYONG KATANUNGAN at i-send sa 0920-803-4744 (P2.00/text) 

Q: Bakit nyo po ginagawa ang mga bagay na ito?
A: Hindi ko din po alam nahila lang ako dito.

Para sa iba pang katanungan at prayer request paki post na lang po sa wall ng LPMHS Batch 94 pesbuk. Laterzzz.



    • Brigitte Claire Panganiban Bariso:- ay naku Ate Charo...wla ka pa rin tlgang kupas hehehe....no.1 fan mo tlga ako!...


    • Lpmhs Batchninety-four:- dear brigitte, paligo sa resort nyo ha hihi


    • Brigitte Claire Panganiban Bariso:- sure!..hehehe...


    • Winnie Ursua Acosta:- ate charo, pahingi nman ng t-shirt d aq makakuwi sa reunion.. thank u


    • Lpmhs Batchninety-four:- dear winnie, gagawan natin ng paraan... parang mcgyver hihi


    • Jocelyn Dela Cruz:- magkano po ang tshirt????


    • Lpmhs Batchninety-four:- dear jocelyn, libre po ang shirt...


    • Jocelyn Dela Cruz:- ay libre po ba? sorry di kasi ako nagbabasa eh comment lng ng comment hehe....pwede po ba makahingi ng isa din????=)


    • Lpmhs Batchninety-four:- dear jocelyn, napansin ko ngang hindi mo hilig ang magbasa hihi nandito ka ba sa pinas? makaka-attend ka ba ng reunion? sa ngayon ay priority po ang mga aattend pero gagawan nmin ng paraan para lahat mabigyan..


    • Jocelyn Dela Cruz:- ay ganon po ba? wala po ako sa pinas eh di pa ko sure kung makaka- attend ako hihi....o sige maraming salamat po kung magagawan nyo ng paraan yan....=)

No comments:

Post a Comment